Panatang Makabago - Ang Ating Galing at Talino, Para Kay Gibo

(Scroll down to the bottom to see full text of pledge)



Created and produced by a volunteer group of the G1BO TEODORO for President movement. This concept was inspired by GIBO's vow for a positive campaign.
Executive producers: Bebot Marfori
Producers: Kat Marfori and Joy Barbara
Creative director: Cholo Laurel
Creative team: Anton Lopez, Kath Marfori, Sara Denise Mendoza, Dino Narciso, Tor Torre, Ken O'bajo, Eric Cabahug (In cooperation with Governor Migs Dominguez and Arial Decenas of Sarangani, Shot entirely in southern Philippines)


Photos by Anton Lopez




























Mahal ko ang Pilipinas
Dito naka-ugat ang buo kong pagkatao
Kaluluwa at dugo
Isip at puso
Dito malaya ako
Malayang mamuhay ng marangal
Malayang ipaglaban ang mga karapatan ko
Mahalaga ang paniwala ko
Importante ang boses ko
Kaya’t ibibigay ko lang
Ang boto ko
Sa may integridad at prinsipyo
Sa may galing at talino
Ang may tunay na plano
At hindi lang puro pangako
Hindi ako magpapasilaw sa kasikatan
Hindi magpapadikta sa kahit na sino
Gagawin lang ang tama at nararapat
Para maging mas dakila pa ang Pilipinas kong mahal
At ngayong may pagkakataong magbago muli
Magsisikap akong maging mas mabuting Pilipino
Mas may malasakit sa kapwa
Ito ang pangako ko
Sa aking mga magulang at sa aking kapwa Pilipino
Sa aking mga anak
Sa aking mga mahal sa buhay
Naniniwala akong posibleng makamit ang mabilis na pagunlad
Sa ngalan ng Panginoon
Sa pagkakaisa
At pagsama-sama
Ako ay Pilipino
Mahal ko ang bayan ko.