Gibo's Post-Election Message

"I did not fight for a political position for myself but for an idea. Winning or losing is secondary. We fight for an idea—an idea of competence. Basic education reform, college graduate opportunities for every family, food security, genuine sustainable agrarian reform, localized peace processes, strong foreign relations, and several others."


(Photo taken by dad of Facebook fan Francis G at Takbo Para Kay Gibo, January 16, 2010)

MAY 11, 2010 - "Ako’y nanalig na sana tayo'y magkaroon ng gobyerno na magiging hustisya ang batayan hindi benggansa, na makapag-introduce ng basic education reforms, makapag-introduce ng tunay at sustainable na reporma sa lupa para sa food security natin at makaahon sa sitwasyon ang ating magsasaka. Magkaroon ng tunay at malalim na reporma sa sistema ng pulitika sa bansa to include constitutional reforms. Na magkarooon ang gobyerno ng pagkakaisa instead na pagkakawalay-walay. Upang sa ganun, magamit natin ang pagkakataon na ito na makaahon imbes na magwatak-watak.

Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng naniwala sa akin, ang aking minamahal at ginigiliw na mga kapartido at ako'y bumabati sa aking mga kapartido na nanalo. At sana ipagpatuloy natin ang paglaban para sa iisang Better Philiippnes. Sa Green Team at sa lahat ng volunteers, lalung-lalo na yung mga hindi ako kakilala pero naniwala sa akin, ang pasalamat ko ay lubos-lubos at sana sa darating na panahon, magkita tayong muli para ako ay personal na magpasalamat.

At sa huli, kay Nikki, kay Jaime at sa lahat ng kapamilya ko para sa pagmamahal, sa pagtitiwala, sa pakikibaka para sa iisang causa.

Itong laban na ‘to, hindi laban upang manalo si Gibo o ang aking kapartido. Sadya naming inilunsad ang isang kampanya na nangingibabaw ang puri at dangal at respeto sa ating mga kababayan, kung saan inuna natin ang taumbayan. At upang maisulong ang isang ideya na sobra na ang kabulukan ng sistema, lalung-lalo na sa pulitika nitong bansa na ito. Kaya namin pinanindigan ang prinsipyo na iyon upang tunay na magbago ang ating lipunan dahil sobra na tayong naiiwanan.

Ngayon na nagdesisyon ang ating mga kababayan, dapat magkaisa tayo upang isulong ang mga tamang prinsipyo na ating inilaban. At ako’y nananalig na ang Pilipino ay hindi magpapaiwan. At ako’y nananalig nakapagtanim tayo ng mangandang halimbawa at taas-noo tayong makakapagharap sa kahit kaninuman dahil tayo ay gumawa ng tama, kapuri-puri at may karangalan. Maraming salamat.”

(Source: POC)